Search

Di tulad ng tanyag na higanteng Griyego,
Braso at paa nito’y sakop ang maraming lupain;
Sa daanang hinugasan ng dagat at paglubog ng araw,
Isang makapangyarihang babae ay nakatayo at may dalang tanglaw  
Na gawa sa ibinilanggong kidlat, at ang kanyang pangalan
Ay Ina ng Mga Patapón. Ang nagliliwanag niyang kamay
Ay sagisag ng malugod na pagtanggap; banayad ang tingin
Na naghahari sa tulay at sadsaran sa pagitan ng dalawang lungsod.
“Mga lumang kaharian, itago ang ariin at karangyaan!” tahimik na
Anya. “Dalhin sa akin ang mga pagód, mga nasadsád sa kahirapan,
Mga nagsisiksikan at sabik na huminga ng malaya,
Mga kawawa’t ibinasura sa pampang. 
Ihatid sa akin ang lahat na walang tirahan, mga nilusob ng bagyo,
Itataas ko ang aking tanglaw sa tabi ng gintong pintuan!”